You and I - Jra ♥
Hi, Ako ay bumigay
Nang makita ka ako ay nabighani sa ganda
Parang nagpunta sa mundo na diyosa
Why? Sa bait at ngiting taglay
Ang puso ko ay biglang nahulog sa iyo
Bagay ba tayo? Tanggapin mo ang pag-ibig kong to
Di ko alam kung ba’t gan’to
Bigla akong pumasok sa iyong pinto
At dito nagsisimula ang pag-ibig na wagas at totoo
You and I ang bagay sa mundong to di to biro
Ako at ikaw ang magkasama hanggang sa dulo ng mundo
Hey! Matagal na tayong di nagkita
Pagod ka na dahil kanina ka pa takbo ng takbo sa isipan
Di mawala at hindi mailisan
Pero, ang ganda mo pag nakangiti ka na
Lalo na pag lumalabas ang malasiopao na iyong pisngi
At ako’y magugulat at nabighani
Di ko alam kung ba’t gan’to
Bigla ka kasing kumatok saking puso
At dito nagsisimula ang pag-ibig na wagas at totoo
You and I are meant for each other today and everyday
You and I will be there for eternity and till to forever
Yey! Limang taon na ang nakalipas nang ako ay sinagot mo
Siguro nga gan’to
You and I are meant for each other today and everyday
You and I will be there for eternity and till to forever
Right Here Waiting :)
Malayo man sa yong tabi
Iniisip ka lagi
Kahit saan ka na dyan
Ika’y di ko iiwan
Kung maghiwalay tayo
Lagi pa ring nandito
San man pumunta, san man naroon
Maghihintay ako sa iyo
Kahit kailan, Kung nasan ka man
Maghihintay ako sa iyo
Nasa puso ko ikaw lang, at hindi ka lalabas
Twing maiisip ang ngiti mo, ako ay lumalakas
Pag ikaw ay lumisan, Larawan mo’y titignan
San man pumunta, san man naroon
Maghihintay ako sa iyo
Kahit kailan, Kung nasan ka man
Maghihintay ako sa iyo
Hanggang kailan maghihintay ang puso
Sa sarili ko’y hindi ka magbabago
Pag ikaw ay nakita, yayakapin ng sobra
San man pumunta, san man naroon
Maghihintay ako sa iyo
Kahit kailan, Kung nasan ka man
Maghihintay ako sa iyo
haha!. isa pang gawa ko hehehe… :D
Porque (Own Version)
Nakatitig sa mukha mo
At nagmumuni-muni
Pag ikaw ay nakita ko
Titignan kitang muli
Ako sa iyo ay nagkagusto
Biglang pumasok sa king mundo
Bakit bigla kitang inibig
Ako ngayon ay kinikilig
Simple lang ang aking gagawin
Na ako’y matutuhan mo ring mahalin
Sana’y magmilagro Ang hiling ko
Matupad na rin sana to
Pinagdarasal ko sa king puso
Wag kang mabura sa isip ko
Ang lahat ay gagawin ko
Di ako magsisisi
Dahil ikaw ay mahal ko
Di ako nagkamali
Bakit sayo ako nagkagusto
Di matanggal sa isipan ko
Ikaw ang aking iibigin
Kahit ako ay inyong pigilin
Simple lang ang aking gagawin
Na ako’y matutuhan mo ring mahalin
Kahit may milagro o wala to
Hahanap ako nang chempo
Pinagdarasal ko sa king puso
Wag kang mabura sa isip ko
Ako’y lumapit
Nang makita ka
At ako ay tuwang tuwang kasama ka
Di ka iiwan
Di pagsisihan
Ako’y wag lisanin
Bakit ikaw pa ang napili
Hindi pa naman tayo magkalapit
Kay simple lang nang aking hiling
Na ako’y matutuhan mo ring mahalin
Ikaw ang aking pinipili
Sa puso ko’y hindi ka mali
Ang aking natatanging hiling
Na ikaw ang aking magsisilbi na bitwin
Kahit may milagro o wala to
Hahanap ako nang chempo
Pinagdarasal ko sa king puso
Wag kang mabura sa isip ko
nyahahaha wla lng akong magawa hehehe…
May nagmamahal na ba sa’yo kung wala’y ako na lang
Lahat ibibigay sa’yo nang walang alinlangan
Sana’y bigyan naman ng pansin ang puso kong ito
Kaya’t tanong ko lang kung may nagmamahal na ba
Sana’y ako na lang



